Iyong Pambayad na Card ng Wirex

Taglay ang lahat ng kakayahan ng regular na debit card — na may malaking twist Sa likod nito — pinapagana ito ng Bitcoin

Lamborghini man 🚗 o kape lang ang bibilhin mo ☕ — pinapadali ng pambayad na card namin ang paggastos mo ng bitcoin na parang pro.

Hakbang 1

Magbukas ng libreng Wirex account. Para sa madaling bitcoin banking…

Hakbang 2

Piliin ang iyong mga opsyon sa card. Ibinibigay kaagad ang mga virtual card (libre ang una!). Available sa buong mundo ang mga plastic card.

Hakbang 3

Lagyan ng pondo ang iyong card anumang oras. Mag-convert ng bitcoin o magdagdag ng mga tradisyonal na currency tulad ng dolyar, euro, at pound. Madaling naililipat mula sa iyong bangko o dose-dosenang paraan ng online na pagbabayad.

Hakbang 4

Gumastos sa paraang gusto mo. Katulad lang ng normal na Visa debit card.

Ikaw ang pipili:

Plastic

  • Mainam para sa pang-araw-araw na gamit: mga secure na pagbabayad online, sa mga store, at pag-withdraw ng pera sa ATM — kahit saang lugar na tinatanggap ang Visa (sa mahigit 40M merchant sa 210 bansa)
  • Mas ligtas kaysa sa pagdadala ng pera: advanced na in-app na seguridad, chip, at PIN
  • Available sa buong mundo: may LIBRENG karaniwang paghahatid o kaya ay pagpapabilis sa maliit na karagdagang halaga (tingnan kung saang mga bansa available)
Mag-order ng plastic

Virtual

  • Perpekto para sa pamimili online
  • Ibinibigay kaagad at LIBRE
  • Available sa maraming tradisyonal na currency (dolyar, euro, at marami pang iba)
  • Walang kinakailangang ID upang makapagsimula
I-claim ang virtual

Mga Bayarin sa Card

Virtual card Plastic card hindi nasusubaybayang paghahatid Plastic card nasusubaybayang paghahatid DHL Courier door to door delivery Pag-activate ng Card
Libre* $ 17 $ 27 $ 50 Libre

*Libre ang una mong virtual card, ang pangalawa ay nagkakahalaga ng $3

Mga Bayarin USD EUR GBP
Mga pagbili online Libre Libre Libre
Mga pagbili offline Libre Libre Libre
Pag-withdraw sa ATM sa loob ng bansa $ 2,50 € 2,25 £ 1,75
Pag-withdraw sa ATM sa ibang bansa $ 3,50 € 2,75 £ 2,25
Transaksyon ng currency sa ibang bansa* Libre Libre Libre
Buwanang serbisyo $ 1,00 € 1,00 £ 1,00
Pagbabago ng PIN $ 1,00 € 0,80 £ 0,60
Palitan ng bitcoin Libre Libre Libre
Intra Account Transfer Libre Libre Libre
Internasyonal na Transfer** Libre Libre Libre

* Kino-convert ang mga currency sa rate ng wholesale ** Maaaring malapat ang blockchain fee kung walang account sa Wirex ang tatanggap

— Ganoon ba talaga ito kasimple? — Oo!

Magparehistro na para sa bago mong
Pambayad na Card ng Wirex

Magparehistro para sa libre mong Wirex account — isang combo ng maraming feature na mobile app, bitcoin wallet, at pambayad na card para sa pagbili, pag-iipon, pamumuhunan, paglilipat, at paggastos ng digital na pera mo anumang oras, kahit saan.

Mga Madalas Itanong

Ano ang mga available na opsyon para sa Wirex card?

Available ang mga virtual at plastic na prepaid debit card sa USD, GBP, at EUR (magdaragdag pa ng ibang currency) na may instant na pag-load mula sa iyong Wirex bitcoin wallet na sine-secure ng BitGo. Depende sa iyong bansa, maaari kang magdagdag ng mga pondo sa pamamagitan ng pagdeposito ng bitcoin, bank transfer, PayPal, o paggamit ng aming mga feature sa palitan ng digital na currency sa app. Gamitin ang iyong pambayad na card ng Wirex para sa mga pagbili sa store, pamimili online, at pag-withdraw ng pera sa ATM 🏧 — kahit saang lugar na 🌎 tinatanggap ang Visa.

Gaano na katagal sa industriya ang Wirex?

Nagsimula kaming mag-isyu ng mga card noong 2014. Ginagamit na ngayon ang Wirex Card ng mga customer sa mahigit 130 bansa. Nakarehistro sa UK ang kumpanya at may mga tanggapan ito sa London at Tokyo, at mabilis kaming lumalago dahil sa bagong pamumuhunan mula sa SBI Group sa Japan. Layunin naming gawing simple ang bitcoin para sa lahat.

Paano kung wala pa akong bitcoin?

😃🎉🤑 Maaari kang mabilis na bumili ng mga bitcoin online sa iyong lokal na currency o i-install ang Wirex app at bumili ng bitcoin sa pamamagitan ng iba't ibang lokal na opsyon sa pagbabayad.

Ano ang ‘prepaid na bitcoin debit card’?

Ang Wirex card ay isang Visa debit card na maaaring muling lagyan ng load. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagdaragdag ng pera sa lokal na currency (gaya ng USD o Euro) sa pamamagitan ng iba't ibang opsyon sa pagbabayad, o sa pamamagitan ng pagpapapalit ng bitcoin mula sa iyong bitcoin wallet. Maaari kang makipagpalitan ng lokal na currency o bitcoin anumang oras, kaya madali kang makakagamit ng Visa debit card at ng mga karagdagang benepisyo ng bitcoin.